Wednesday, November 28, 2018

Ang Maikling Kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
Ang alamat ay naiiba dito at sa kasaysayan bagamat may mga elemento ang dalawa. Ang ito ay di-totoo. Ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat ay may mga bahaging totoo at mayroon din naman na hindi totoo ang kuwento at kadalasang ang kuwento ay tungkol sa mga naganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon.

Kayarian

Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kuwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

Mga Elemento

  • Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
  • Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
  • Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
  • Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
  • Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
  • Kakalasan- Tulay sa wakas.
  • Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
  • Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
  • Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
  • Kaisipan- mensahe ng kuwento.
  • Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

Mga uri

May sampung uri ng maikling kuwento:
  • Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
  • Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
  • Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
  • Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
  • Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
  • Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
  • Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
  • Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
  • Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
  • Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao

Tema

Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

Mga bahagi

Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:

Simula

At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng Tagpuan.

Gitna

Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas

Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

Mga Uri Ng Tula


Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula.


1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)

  • Tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.



Uri ng Tulang Liriko

Awit 

  • Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga.


Soneto

  • Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.


Oda 

  • Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.


Elehiya 

  • Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.


Dalit 

  • Isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.



2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) 

  • Isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays.



Uri ng Tulang Pasalaysay



a. Epiko 

  • Isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa.


b. Awit at kurido 

  • Isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna. 


c. Karaniwang Tulang Pasalaysay 

  • Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.


3. Tulang Patnigan (joustic poetry) 

  • Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.


a. Balagtasan

  • Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.


b. Karagatan 

  • Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.


c. Duplo

  • Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan. 


4. Tulang Pantanghalan o Padula

  • Karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.

ANO ANG PAGBASA

Ano ba ang pagbasa?

Ang pagbasa ay nagtataglay ng maraming kahulugan, depende sa sitwasyon. Iba-iba ang pagpapakahulugan nito batay sa mga manunulat at dalubhasa bagamat iisa ang kaisipang nakapaloob dito. Narito ang ilan:

Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal. Ang pagbasa kung gayon ay napakahalaga sa isang indibidwal sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na nahuhubog ng kanyang pagkatao.

Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang tao dahil nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng damdamin at maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa iba.

Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing pangwika at pangkaisipan na kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto. Ipinaliwanag ni Johnston(1990) na ito’y isang kompleks o masalimuot na gawaing nangangailangan ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor. Bilang isang kompleks na prosesong pangkaisipan, ang mambabasa ay aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at estratehiyang nakatutulong sa pag-unawa.

Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o ng anumang wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anomang binabasa natin ay maaaring isulat at ang anomang naisusulat ng kamay ay nababasa ng mata na kakambal ng pagpapakahulugan gayundin sa pagkatuto sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.

Ayon naman kay Baltazar(1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.

Ang isang estudyanteng palabasa ay mas may malaking posibilidad na maipasa niya ang mga pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa isang hindi palabasa sapagkat sa kanyang pagbabasa mas nadaragdagan ang kanyang kaalaman, lumalawak ang talasalitaan at mga karanasan. Mas nahahasa ang kaisipan ng estudyanteng palabasa na umunawa nang mas malalalim na ideya, mga argumentong pangangatwiran at nababatid ang implikasyon ng kanyang binabasa. Sa ganitong paraan, masasabing ang pagbasa ay isang masalimuot na proseso sapagkat nasasangkot dito ang maraming kasanayan.

Sa pamamagitan ng pagbabasa, nakatutuklas ng maraming kaalaman at karunungan tutugon sa kanyang pangangailangang pangkabatiran sa iba’t ibang disiplina tulad ng agham, panitikan, teknolohiya, at iba pa. Higit sa lahat, mahalaga ang pagbasa sa isang tao para hindi mapag-iwanan ng nagbabagong panahon gawa ng mga makabagong teknolohiyang nagsusulputan ngayon.

ANG PAGSULAT

Kahulugan ng Pagsulat

Ano ang pagsulat?

-          Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).

-          Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.

-          Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes mo.

-          Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyok sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.

Kahalagahan ng Pagsulat

Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:

a.       Kahalagahang Panterapyutika

Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.

b.      Kahalagahang Pansosyal

Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

c.       Kahalagahang Pang-ekonomiya

Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.

d.      Kahalagahang Pangkasaysayan

Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

ANG PAKIKINIG


Ang pakikinig ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig. Mayroong itong kumbinasyon ng tatlong bagay: tinanaggap na tunog, nauunawaan, natatandaan.

Kahalagahan

  1. mabilis na pagkuha ng impormasyon
  2. daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan
  3. sa pakikinig kailangan ng ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa naririnig.
  4. nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman
  5. ang pakikinig ay nakakatulong sa pag-unawa ng damdamin, kaisipan at maunawaan ang kinikilos gawi at paniniwala.
  6. lumilikha ito ng pagkaka-isa, sa loob ng tahanan, sa paaralan, at sa pamayanan.

Layunin

  1. Matuto - Upang magkaroon ng kaalaman o makakuha ng bagong impormasyon
  2. Maaliw

Patnubay sa mabisang pakikinig

  1. Maging handa sa pakikinig
  2. Magkaroon ng layunin sa pakikinig
  3. bigyang pansin ang agwat ng pagsasalita at pakikinig
  4. Kilalanin ang mahalagang impormasyon
  5. Unawain ang sinasabi ng nagsasalita
  6. idebelop ang interes sa pakikinig
  7. Iwasan ang pagbigay puna hangang hindi pa tapos ang nagsasalita
  8. huwag mag-interap o mang abala
  9. maging sensitibo sa mga ekstra na di-berbal na kuminikasyon
  10. magtanong at tumahimik pagkatapos

Mga salik na nakakaimpluwensiya sa pakikinig

  1. mensahe
  2. Katangian at kakayahan ng tagapagsalita
  3. Kakayahan sa pakikinig (ikaw na nakikinig)
  4. Pook
  5. Edad
  6. Oras o panahon
  7. Tsanel
  8. konsepto sa sarili
  9. edukasyon
  10. kalagayan sa panlipunan
  11. Kultura
  12. Kasarian

Mga Kasanayan sa pakikinig



  1. Pakikinig para sa kagandahan, kaaliwan at gamit ng musika
  2. Pakikinig para sa pagtukoy ng pamaksang diwa, aral at pagpapahalaga na napapaloob sa isang pahayag o kuwentong napakinggan
  3. Pakikinig para makasunod sa tagubilin at panuto kaugnay sa sadyang gawain
  4. Pakikinig para sa paghinuha ng natatanging impormasyon
  5. Pakikinig upang matukoy ang pagkakaiba
  6. Pakikinig upang mahiniha ang maga paguugali, at upinyon para sa pahayag o textong napakinggan
  7. Pakikinig upang mailahad ang detalye ng paghahambing sa pakikipagtalo at pagpapahayag
  8. Pakikinig upang makilala ang mahahalagang kaisipan
  9. Pakikinig upang makapagbalangkas ng mga katanungan at matamo ang tamang sagot sa mga tanong

MGA URI NG TAYUTAY

A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING

1. Simili o
Pagtutulad (Simile) –  nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay sa
pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, para, parang, para ng,
anaki’y, animo, kawangis ng, gaya ng, tila, kasing-, sing-, ga-, at iba pang
mga kauring kataga.

Halimbawa: Tila porselana ang kutis ng magkapatid na Velasquez.



2. Metapora o
Pagwawangis (Metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng
pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan,
gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.  Hindi na rin ito ginagamitan ng mga
katagang kagaya, katulad at mga kauri.

Halimbawa: Siya ang nagsisisilbing bangaw sa ating lipunan.



3. Alusyon  - nagbibigay – saanggunian mula sa
kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.

Halimbawa:
Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa  delubyo.






4. Metonimya
o Pagpapalit-tawag (Metonimy) -
ang isang salita o grupo ng mga salita ay pinapalitan ng isa pang salita o grupo
ng mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.

Halimbawa:  Siya ang
timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.



5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto kaisipan,  upang sakupin o tukuyin ang
kabuuan.

Halimbawa:

1.       
Si Andres Bonifacio ay nagbuwis ng buhay para sa bayan.





B. PAGLALARAWAN

1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan
ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan. Ito rin ay gumagamit ng eksaherasyon

Halimbawa:  Pilit
na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.



2. Apostrope o
Pagtawag (Apostrophe) - pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap
sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong
wala naman.

Halimbawa: O
tukso! Layuan mo ako!



3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) - isang
paglalabas o papahayag ng
matinding damdamin
Halimbawa: Aking nadarama
ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!



4. Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan)
na kalagayan o pangyayari.

Halimbawa: Malayo
ma’y malapit pa rin.



5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) - nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong mapatingkad
ang bisa ng pagpapahayag.

Halimbawa: Magsaya na kayo’t
ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo.



C. PAGSASALIN NG KATANGIAN



1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - Ginagamit ito
upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos
ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng
kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

Halimbawa: Hinalikan
ako ng malamig na hangin.



D. PAGSASATUNOG



1. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan.

Halimbawa: Ang
lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay
bulong ng kalikasan.



2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) - magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng mga kakalapit na
mga salita o taludtod o saknong na nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.

Halimbawa: Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang
masayang-masaya.



3. Repitasyon – pag-uulit ng
mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang aspekto ng akda.

Halimbawa: Ito
nga! Ito nga! Itong nganga.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/522258#readmore

ANG PANITIKAN AT MGA URI NITO


Ang Panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Uri ng Panitikan



1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.



2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.
Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino
Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan.
Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.
Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan.  Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.



Mga Akdang Pampanitikan

Mga akdang tuluyan 
Image result for MGA ALAMAT\
· Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan





· Anekdota -  isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.



Halimbawa:


Ang Munting Gamu-Gamo--- Ina, Anak, Ilawan
Ang Inang gamu-gamo

Ang mapagmahal na Inang gamu-gamo
Hahabiin ang tama
Pagmamahal sa kanyang anak



Ang anak na gamu-gamo
Ang masayahing gamu-gamo
Hahanapin ang kalayaan
Gigisingin ang kamalayan



Ang lumang ilawan
Ang matanglang na lumang ilawan
Kariktang nagliliwanag
Kariktang napakainit



Halika anak ko
Lulan ng pagkabalisa
Pakinggan mo ang payo ko
Dito ka lang sa kandili ko



Huwag subukang sumuway
Pakinggan mo ang payo ko
Nagliliwanag na ilawan
Sa paglapit, dulot ay kapahamakan



Sa pag kandili mo Inay
Ligayang anung ibinibigay
Nakikinig ako sa payo mo
Lagi lamang ako'y sa tabi mo



Naliligid ng panganib
Liwanag na kay rikit
Lumapit ka sa akin
Sa kandili ko'y mas maligaya



Buksan ang mga mata
Walang panganib na nakikita
Panganib bang matuturing,
Kagandahang aking hinahain?



Sa palagay ko ilawan
Walang halong pagbubulaan
Hindi siguro mapapahamak
Lalapit ako sa'yo



Ngayon ay heto ka
Tupukin ang pakpak!
Tupukin ang katawan!
Tupukin ang paggasa!



· Nobela - o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan.





https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh_5nCdPkhAOQ4-Eu3ie18n6SjkxXEoEngKHrUtilJTRXi1PUx3FncqQ0NRYnFvo2qDJj_QsHcgjh-Bk1nktqGqFSbnnQe4j_Rju6KrOi9L3AYbZzzHUKzY_nrWYNFVocPvjlNLmaDMJ4pP/s400/ZZ18-ElFilibusterismo.jpghttp://davecivicsais.files.wordpress.com/2012/05/noli-me-tangere1.jpg

· Pabula - (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.





http://lh4.ggpht.com/__46u1G65fcQ/S6hUBl_RKAI/AAAAAAAABsM/5b7Jf0JIDow/patm%255B2%255D.jpg

· Parabula- o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.





http://image.slidesharecdn.com/sampungbirhen-140706063324-phpapp02/95/parabula-ng-sampung-dalaga-1-638.jpg?cb=1404646450


· Maikling kwento - isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."









· Dula - isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

· Sanaysay-  isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.



http://www.slideshare.net/nicholeobillo/halimbawa-ng-impormal-na-sanaysay-at-pormal-na-sanaysay

· Talambuhay-  isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

Halimbawa:






Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa BiƱan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.
Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
· Talumpati- isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng 
pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng 
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong 
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

· Balita - mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas ng ating bansa.

· Kwentong bayan- (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.


Mga akdang patula 

Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan. 

· Awit at Korido - Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng makikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng bahaging pang-tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tumutugma ang mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga relihiyosong mga taludtod o malayang prosa. Ang mga salita ay ang liriko.

Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang stanza.Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.

· Epiko- uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.

· Balad - Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin.

· Sawikain - Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:
1. idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.
· Salawikain - Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.


· Bugtong - Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.

· Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba't ibang panig ng lugar sa bansa.

· Tanaga- Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.
May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.