Pangulong Tudling
Ang Pangulong-Tudling o tinatawag ding editoryal ang
pangunahing tudling ng kuru-kuro ng isang pahayagan. Kumakatawan ito
sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa
ito ng publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid,
magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, manlibang at
magpahalaga sa natatanging araw.
Itinutuwid ng editoryal ang mga maling
palagay o paniniwala at pagkalito ng tao sa isang isyu. Nagbibigay-pakahulugan
din ang isang editoryal sa balita o
kaganapan upang bigyang-linaw sa kahuluguhan ng pangyayari. Nagbibigay-puna ang
editoryal sa layuning magkaroon ng pagbabago para sa pakinabangan ng
nakararaming tao. Ang pagtuligsa ay hindi kailangan makasakit ng damdamin ng
kapwa. Pumupuri ang editoryal kung may dapat pahalagahan. May mga editoryal
naman na ang pagkakasulat ay nanlilibang subalit taglay nito ang mahalagang
opinyon.
Tatlong bahagi ng editoryal
Naglalaman ng tatlong bahagi ang balangkas ng
editoryal:
·
Panimula, kung saan binabanggit ang isyu o balitang
tatalakayin. Kailangang ito'y maikli ngunit makatawag pansin. Naglalaman ang
panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang
ito'y batay sa balita o isang pangyayari. Maaaring gumamit ng alinman sa
panimula: isang tanong, isang salawikain, pasalaysay na
panimula, tuwirang sabi
·
Katawan, kung saan sumusuri, nagpapaliwanag o
naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na paraan. Nagbibigay ito ng
tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng editoryal. Dito rin
isinusulat ang pananaw ng awtor tungkol sa isyu na pinaguusapan.
·
Pangwakas, na maaaring maglagom o magbigay-diin sa
diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng may-akda.
Mga uri ng editoryal
·
Pagsasalaysay. Ipinaliliwanag ang kahalagahan o
kahulugan ng isang balita, kalagayan, o ideya.
·
Paglalahad. Ipinaaalam ang isang pangyayari na
binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng
pangyayari.
·
Pangangatwiran Nagbibigay
ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip.
Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago.
·
Paglalarawan. Binibigyang halaga ang isang taong may
kahanga-hangang nagawa, katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong
namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan.
·
Pagtutol. Dito ang may-akda ay nagbibigay ng
kanyang panig at ipaglalaban niya ito upang makumbinsi ang mga nagbabasa.
·
Nagpapaaliw Nakakabigay ito ng ngiti at halakhak
habang naglalahad ng katotohanan.
·
Espesyal
na okasyon Ipinaliliwanag
nito ang kahalagahan ng isang okasyon.
·
Nanghihikayat nagpapaliwanag ng kamalian o suliranin,
sumusuri ng kalagayan, nag-mumungkahi ng isang solusyon at nanghihikayat ng
pagbabago.
Reference: https://tl.wikipedia.org/wiki/Pangulong_tudling
No comments:
Post a Comment